Pang. Duterte, tinanggal na si VP Robredo bilang Drug Czar

by Erika Endraca | November 25, 2019 (Monday) | 16145

METRO MANILA – Inalis na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang Drug Czar o Co-Chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs  (ICAD) araw matapos italaga bilang tagapanguna ng anti-drug war ng pamahalaan. Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson And Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Ayon sa opisyal, tugon na rin ito ng Pangulo sa panawagan ng opposition leader Senator Francis Pangilinan at kay mismong VP Robredo na alisin na lang ito sa pwesto bilang Drug Czar matapos aminin ng Pangulong wala itong tiwala sa kaniya.  Maituturing aniya itong pagtuya at pagmamalaki sa appointing power.

“She never presented any program at all as you can see, she never presented any program and remember it is VP Leni herself who asked the president to terminate her”  ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

Dapat din aniyang mismong ang Bise Presidente na ang nagkusang lumapit sa Presidente sa umpisa para klaruhin ang tungkulin nito bilang Drug Czar.

Subalit panay aniya sa media ito nagsalita at nakipag-ugnayan pa sa mga opisyal ng United Nations at US Embassy officials na wala naman aniyang ideya sa reyalidad ng suliranin ng iligal na droga.  Sinayang din aniya nito ang pagkakataon at sa halip ay tinuligsa ang stratehiya ng administrasyon.

“First day of appointment pa lang dapat umano ka na kay Presidente eh, knock at the door of malacanang, kung yung ordinaryong tao nakakapasok sa Malacanang, yung pang Bise Presidente pero sabi niya, I won’t go there unless invited, sabi ni Presidente, ha? Bakit ka magiintay sa appointing power eh ini appoint na nga kita, eh di do your work” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo..

Samantala, di naman ikinagulat ni Senator Panfilo Lacson ang pinakahuling pangyayari subalit, ang tanong niya ngayon, sinu ang tumatawa: ang Pangulo ba o ang Pangalawang Pangulo?

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,