Pang. Duterte, nais nang alisin ang mga tropa ng Militar at Pulisya na ipinadala sa mga lugar na naapektuhan ng pag-aalburuto ng Taal volcano

by Erika Endraca | January 30, 2020 (Thursday) | 10213

METRO MANILA – Nais nang alisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tropa ng militar at pulisya na ipinadala sa mga lugar na naapektuhan ng pag-aalburuto ng Taal Volcano.

Ayon sa Punong Ehekutibo, ilang Linggo nang nasa area ang mga pulis at sundalo at lubhang exposed na sa volcanic ash.

Hinahayaan naman ng Presidente ang mga alkalde at mga nakatalagang pulisya sa kani-kanilang lugar na ipatupad ang isinasaad ng batas.

Matatandaang nagpadala ng karagdagang tauhan ng pulisya at mga militar upang panatilihin ang seguridad sa mga lugar na malapit sa Taal volcano.

“So ang akin ngayon eh kung itong mga taga-taal… I’m withdrawing my police and… eh they have been there for so many weeks already. Puno na ‘yung lungs nila ng abo. Kaawa naman. So kung ayaw talaga sila… I’d leave it to the mayor and to the police. Iyong pulis talagang na-assign doon. There’s a police station there and there are men. Sila na. I’d leave it to them to enforce the law as mandated by the authorities upstairs” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: