METRO MANILA – Tila napipikon na si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa nagpapatuloy na Red Tape sa pamahalaan sa kabila ng paulit-ulit niyang warning.
Dahil dito, mayroon na lamang kulang 1 buwan at dapat ay madesisyunan na hanggang December 15, 2019 ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang lahat ng mga nakabinbing transaksyon at kontrata sa pamahalaan.
Ayon pa sa Punong Ehekutibo, dapat mapatalsik sa pwesto ang mga military official at government employee na makupad sa pagganap ng kanilang mandato.
Samantala, inamin naman ng Pangulo na siya ang nag-utos na alisin sa pwesto ang mga tauhan ng pulisyang sangkot sa body camera extortion case.
Tatlong police officers ang sangkot umano sa pangingikil ng nasa P5M halaga mula sa isang bidder ng body cameras. Bukod sa kasong administratibo, mahaharap sa kriminal na kaso ang mga naturang pulis.
(Rosalie Coz | UNTV News)
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com