Pang. Duterte, itinalaga bilang bagong Chief Justice si Diosdado Peralta- Malacañang

by Erika Endraca | October 24, 2019 (Thursday) | 19975
PHOTO: SC Judiciary GOV.PH

METRO MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema si Associate Justice Diosdado Peralta ayon sa Malacañang.

Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pinirmahan ng punong ehekutibo ang appointment papers ni Peralta Kahapon.

Si Peralta ay dating presiding justice ng sandiganbayan anti-graft court at pinaka-senior sa  3-iniendorso ng Judicial and Bar Council.

Nakatakda itong magretiro sa March 2022. Hahalili siya sa naiwang pwesto ni Dating Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na nagretiro noong October 18.

Tags: ,