METRO MANILA, Philippines – Nagbigay na ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng tanggapan sa ilalim ng executive branch na magtulungan upang maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Inatasan din ng Punong Ehekutibo ang lahat ng kinauukulang ahensya na magkaloob ng ayuda at alternative livelihood sa mga apektado ng ASF.
Nanawagan naman ang tanggapan ng Pangulo sa publiko na makipagkaisa sa mga otoridad upang maiwasan ang pagkalat ng ASF. Kamakailan, kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na ilang pork products mula sa Central Luzon ang kumpirmadong kontaminado ng ASF.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: African Swine Fever, executive branch of government, Pangulong Duterte