Pang. Duterte, inaming ikinagulat ang pagtakbo ng anak na si Mayor Sara sa Vice Presidency

by Radyo La Verdad | November 15, 2021 (Monday) | 9130

METRO MANILA – Ipinagtataka ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit pagka-bise presidente ang inihaing kandidatura ng kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ginawa nito ang pahayag sa isang panayam sa vlogger na si banat by matapos magsumite ng certificate of candidacy ni mayor Sara.

Ayon sa punong ehekutibo, matagal na silang hindi nag-uusap ng anak.

Inamin din nitong hindi niya nagustuhan ang nangyari at kinuwestyon ang hakbang ng alkalde.

“Hindi ko naman siya sinisisi, kasi hindi naman kami nag-usap, yung desisyon nila ang ayaw ko na tatakbo siya. I’m sure yung pagtakbo ni sara, desisyon nila bongbong yun. Nagtataka ako, sabi ko, siya ang number 1 sa survey, kung bakit siya pumayag na tatakbo lang bise bakit ka tatakbo sa bise presidente na alam mo na mas lamang ka. Ika nga, may view ka na, in advance na malakas ka.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya naman aniya, si President Duterte mismo ang nag-udyok sa kaniyang dating long time aid na si Senator Bong Go na tumakbo na lang sa pagka-pangulo.

Bukod dito, napaulat din ang plano ng punong ehekutibo na pagtakbo bilang vice president sa pambansang halalan.

Gayunman, nang tanungin ang pangulo kaugnay ng isyu, ang tugon nito…

“I said in a matter of hours, you would know. I will make the announcement. Baka…para malaman ng tao na hindi ko nagustuhan yung nangyari..” ani Pangulong Rodrigo Duterte.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung matutuloy, maglalaban sa pwesto ang mag-amang Duterte…

Samantalang magiging magkatunggali naman sina dating senador bongbong marcos at senador bong go sa pagka-presidente.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,