Pang. Duterte, inaalok si VP Robredo na maging tagapanguna ng anti-drug war ng pamahalaan

by Erika Endraca | October 29, 2019 (Tuesday) | 3404

METRO MANILA – Bibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 6 na buwan ni Vice President Leni Robredo para pangunahan ang kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang pangunahan ang panunumpa ng mga bagong talagang opisyal at kawani ng pamahalaan sa Malacañang Kahapon (October 29).

Matatandaang kinundena kamakailan ni VP Robredo ang anti-drug war ng Duterte administration. At aniya, kinakailangang baguhin ang istratehiya at i-reassess ang kampanya kontra iligal na droga dahil sa pagpalya umano ng pababain ang bilang ng drug users sa bansa at maraming napapaslang.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, handa siyang utusan ang mga kinauukulan na sundin ang direktiba ng Bise Presidente sa usapin ng pagresolba sa iligal na droga kung tatanggapin nito ang kaniyang offer.

Samantala, ayon naman sa kampo ni VP Robredo, maglalabas sila ng pahayag kapag nakatanggap ng pormal na sulat kaugnay sa nating pahayag ng Pangulo sa kaniyang talumpati.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,