Pang. Duterte, iginiit na nirerespeto niya ang simbahan

by Radyo La Verdad | June 21, 2018 (Thursday) | 2544

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na nirerespeto niya ang simbahang katolika sa kabila ng mga binitiwan nitong pahayag noon laban sa simbahan.

Ayon sa pangulo nais niyang mahinto ang mga insidente ng pagpatay sa ilang pari.

Ilang kritiko ng presidente ang nagsasabi na ang batikos ng punong ehekutibo laban sa simbahan ang napalakas ng loob sa mga responsible sa pagpatay sa tatlong paring katoliko sa nakalipas na anim na buwan.

Pero ayon sa pangulo handa siyang ilabas ang mga nakalap na ulat kung bakit napaslang ang mga paring sina Marcelito Paez, Richmond Nilo at Mark Anthony Ventura.

Una ng sinabi ng pangulo na posibleng pinatay ang isa sa mga ito dahil sa pagkakaroon ng relasyon sa iba’t-ibang babae.

Pansamantala namang tumigil ang pangulo sa kaniyang talumpati sa iloilo kahapon ng tumunog ang kampana ng simbahan.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,