Pang. Duterte, iginiit na hindi siya kinokontrol ni Sen. Go

by Radyo La Verdad | November 17, 2021 (Wednesday) | 16287

METRO MANILA – Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginagawa lamang ni Senator Bong Go ang kanyang trabaho at hindi siya kinokontrol ng senador.

Sa kanyang public adress kagabi, iginiit ng pangulo na hindi kinokontrol ni Go ang sinoman.

Tugon ito ng pangulo, sa sinabi ng dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC), Retired Lieutenant General Antonio Parlade, laban sa kapwa niya presidential aspirant na si Senator Go.

Bagaman sinusuportahan niya ang mga programa ng pangulo hindi niya inilinya ang kanyang sarili sa punong ehekutibo at senador, Dahil isa umano si Go sa problema ng bansa dahil kinokontrol niya ang pangulo.
Nang tinanong kung bakit niya ito nasabi, aniya tanungin na lamang ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon naman kay AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala, hindi sila makiki-alam sa mga isyu ng politika.

Dahil ang kanilang mandato ay ang mapanatili ang seguridad at mapayapang halalan.

Sinabi rin ni Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad na hindi sila makiki-sawsaw o magbibigay ng komentaryo patungkol sa mga kandidato.

Pero si National Defense Secretary Delfin Lorenzana sinabing walang basehan ang pahayag ni Parlade.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)

Tags: ,