Pang. Duterte, humingi ng paumanhin sa mga Pilipinong mangingisda sa lumubog na fishing vessel sa Reed bank

by Erika Endraca | June 25, 2019 (Tuesday) | 5568

MANILA, Philippines

Nag-sorry si Pangulong Rodrigo Duterte sa 22 pilipinong mangingisda na lulan ng lumubog na sasakyang pandagat matapos mabangga ng isang chinese vessel malapit sa Reed Bank noong June 9.

Ginawa ng punong ehekutibo ang pahayag sa sidelines ng kaniyang pagdalo sa gala premiere ng pelikulang “kontradiksyon” sa Pasig city kagabi (June 24).

Gayunman, ayonpa sa pangulo, isa itong maritime incident at di dahilan upang magkaroon ng mlitary exercise sa lugar na isa ring disputed territory ng pilipinas at china.

“Well, I’m sorry, but that’s how it is. It is a maritime incident. Little in the sense that there was no confrontation, there was no bloody violence. Pero kung gusto mo na gumanti na doon na ano well that is not. That is not a reason to go to any military exercise there. ‘Pag ginawa mo ‘yan giyera ‘yan. So I’m sorry if that iyon ang feeling nila. But alam naman nila na that area is claimed by both. Para sa kanila, sa China, it happened within their jurisdiction. Sa atin, within our jurisdiction. Because we have two conflicting claims of ownership.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, kinumpirma naman ng pangulo na natanggap na nito ang paunang ulat ng philipppine coast guard at maritime industry authority hinggil sa reed bank incident subalit wala pang official report ang gobyerno kaugnay nito.

Sa usapin ng joint investigation ng Pilipinas at China, ipinaliwanag naman ng punong ehekutibo ang kahalagahan ng third party upang maiwasang makwestyon ang resulta o findings ng 2 bansa.

Subalit, maging si Presidente Duterte, hindi nakatitiyak kung pabor ang china sa suhestyon niyang magkaroon ng pangatlong miyembrong mula sa isang neutral country para sa bubuoing marine board of inquiry.

“Well, if it’s going to be a Marine Board of Inquiry, whatever satisfies the requirement of fair play and due process. Due process that everybody should be heard. Fair play is that there’s no one that is under suspicion of siding with the other. And you can only do that kung may board kayo na. Kasi ‘pag kanila lang then we compare which would always be contradictory I suppose, that can be presumed. Eh di walang mangyari. Eh di parang walang insidente.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

 (Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , ,