METRO MANILA – Umuwi na sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte matapos dumalaw sa burol ng businessman na si John Gokongwei Jr. Kagabi (Nov. 11). Nauna ng sinabi ng Malacanang na magpapahinga ng 3 araw ang Punong Ehekutibo mula sa bulto ng kaniyang pag-tatrabaho.
Subalit, binawi ito kinalaunan ng palasyo at tinanggihan aniya ni Pangulong Duterte ang suhestyon ng mga kaibigan nitong magpahinga muna. Mananatili ang Pangulo sa kaniyang bahay sa Davao City habang ginagawa ang kaniyang trabaho.
Kahapon (Nov.11) ayon sa Malacañang, maguumpisa na sana ang 3-day rest ng Pangulo ngayong araw at tiniyak wala itong kinalaman sa anumang medical concern at hindi na rin kailangan din ng official leave. Nauna na ring ipinahayag ng palace official na sakaling matuloy ang pagpapahinga ng Punong Ehekutibo, si Executive Secretary Salvador Medialdea ang magiging caretaker sa executive branch.
(Rosalie Coz | UNTV News)