Pang. Duterte, hindi mangangampanya ng pisikal para sa mga sinusuportahang kandidato

by Radyo La Verdad | February 22, 2022 (Tuesday) | 9847

Wala sa opisyal na kalendaryo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sumama sa mga kampanya ng kaniyang mga sinusuportahang senatorial candidates para sa May 9, 2022 Philippine General Elections.

Ayon kay acting presidential spokesperson at cabinet secretary Karlo Nograles, abala ang Pangulo sa kaniyang trabaho.

“Okay naman si Pangulo, busy with work. But with regard to physically joining mga senatorial candidates ay wala pong official entries in his official calendar to that effect”, pahayag ni Sec. Karlo Nograles. Acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary.

Sa mga nakalipas na pagkakataon ay inendorso ni Pangulong Duterte sa pagka-senador ang kaniyang dating chief presidential legal counsel na si atty. Salvador Panelo, dating senador JV Ejercito, at dating presidential anti-corruption commission chairperson Greco Belgica.

Samantala, mahigit apat na buwan na lang bago sya opisyal na bumaba sa pwesto  sa June 30, 2022. Subalit sa ngayon, wala pa ring pahayag ang Punong Ehekutibo kung sino ang susuportahan ng kaniyang administrasyon na hahali sa kaniya sa pagka-pangulo.

Rosalie Coz | UNTV News

Tags: ,