Pang. Duterte, hindi hihingi ng paumanhin sa pansamantalang pagpapatigil ng operasyon ng lotto

by Radyo La Verdad | July 31, 2019 (Wednesday) | 5182

Nanindigan ang Malacañang sa naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte nang agarang ipahinto ang gaming at gambling operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kabilang na ang lotto.

Biyernes ng gabi nang ianunsyo ito ng Punong Ehekutibo subalit kagabi, binawi na ang suspensyon sa lotto dahil wala umanong nakitang bahid ng katiwalian matapos imbestigahan.

Kahit milyong-milyong kita ang nawala sa PCSO dahil sa pagpapatigil ng lotto operations gayundin nawalan ng kita ang ang mga lotto operator at empleyado, wala namang nakikitang dahilan ang palasyo para humingi ng paumanhin sa nangyari.

“The work of the President is heavy enough that they should understand that it is his duty to do that, to erase any and all doubts on the regularity of these operations (so no need to apologize?)  Certainly none,” ani Sec. Salvador Panelo, Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , , ,