Bukas si Pangulong Benigno Aquino The Third sa pakikipagusap sa mga senador kaugnay ng pagsasabatas ng panukalang Bangsamoro Basic Law.
Ito ay sa gitna na rin ng kwestyon ng ilang senador sa legalidad ng ilang probisyon ng BBL.
Tiniyak ng pangulo na binusising mabuti ang legalidad ng mga probisyon ng BBL .
Sinabi ng Pangulo na sa kaniyang ginawang pakikipagpulong sa ilang kongresista sa malakanyang, ipinakiusap niya na huwag i-delay ang pagpapasa ng bbl at hinikayat ang mga mambabatas na pagaralan ding mabuti ang panukalang batas.
Sa kasalukuyan ayon sa Pangulo, hinihintay lang niya ang magiging desisyon ng liderato ng senado kung handa silang makipagpulong sa malakanyang kaugnay ng mga kwestyon sa pagpapasa ng BBL.
“Hintayin ko ang kumpas ng Senate President kung kailangan o hindi. Siyempre may parte na gusto kong makipanayam sa kanila. Ayoko naman sabihin nila na nakikialam ako sa kanila dahil independent body sila. So kailangan balansehin,” pahayag pa ng Pangulo.
(Nel Maribojoc, UNTV Correspondent)