Panel of prosecutors, binuo ng DOJ para sa kaso ni Kian Loyd Delos Santos

by Radyo La Verdad | August 31, 2017 (Thursday) | 2605

Bumuo na ang DOJ ng panel of prosecutors upang magsagawa ng preliminary investigation sa kaso ng pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos. Pangungunahan ito ni Senior Assistant State Prosecutor Tofel Austria, kasama sina Assistant State Prosecutor Amanda Garcia at Associate Prosecution Attorney Moises Acayan.

Nitong nakaraang Biyernes, apat na pulis Caloocan ang inireklamo ng murder at torture dahil sa pagkamatay ng binatilyo. Iginiit naman ni Sec. Vitaliano Aguirre na hindi pwedeng ilipat sa Ombudsman ang kaso laban sa mga pulis.

Paliwanag niya, limitado ang kapangyarihan ng Ombudsman sa mga kasong katiwalian, bribery at paglabag ng mga opisyal ng gobyerno. Babantayan naman ng CHR ang mga kasong isasampa sa korte laban sa mga pulis.

Matatapos na rin ngayong linggo ang hiwalay na imbestigasyon ng NBI sa kaso.

 

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,