Panawagang ibalik ang voter’s ID, pinag-aaralan na ng Comelec

by Radyo La Verdad | February 12, 2024 (Monday) | 10317

METRO MANILA – Pinag-aaralan ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) ang panawagan ng publiko, lalo na ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na ibalik ang pag-iisyu ng voter’s ID.

Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, isa sa mga tinitingnan ngayon ay kung saan kukunin ang pondo at kung paano ang magiging sistema para rito.

Isa aniya sa mga sistema na iniisip ng poll body ay ang mga ginagamit ngayon ng Land Transportation Office (LTO) o ng Philippine National Police (PNP) kapag nagpaparehistro ang mga indibidwal ng kanilang mga baril.

Samantala, muling magsisimula ang pagpaparehistro ng mga botante ngayong araw ng Lunes, February 12, kung saan inaasahan ng Comelec na hindi kukulangin sa 3 milyong Pilipino ang magpaparehistro bago ang halalan sa 2025.

Ang panahon ng pagpaparehistro ay magtatagal hanggang September 30, 2024.

Tags: ,