Panagbenga Festival sa Baguio, pinaghahandaan na ng PNP

by Jeck Deocampo | February 1, 2019 (Friday) | 18994

BAGUIO, Philippines – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ng Baguio City na magiging ligtas na maidaraos ang grand opening ng Panagbenga Festival sa darating na Pebrero.Nagsimula na maghanda ang PNP sa Baguio para sa pagdasa ng mga turista na maksasaya sa kada taon na Panagbenga Festival.

Ayon kay PSSUPT. Eliseo Tanding, City Director ng Baguio, “Ang PNP po ay place on heightened alert tayo. May utos po ang Camp Crame and then it’s up po sa discretion ng RD’s, PD’s, CD’s kung ano po talaga ‘yung nangyayari on the grounds halimbawa in Baguio City po alam po natin lahat na very peaceful tayo dito.”

“So generally, ang Baguio City Police o Regional Cordillera Police ay ready sa mga ganiyan specifically naman dito sa BCPO ay intelligence gathering ang pinakamagandang ginagawa,” dagdag niya.

Isasara ang mga pangunaghing kalsada sa Central Business District pangunahin ang Session Road mula ala-una ng madaling araw ng Pebrero hanggang alas-tres ng hapon upang bigyang daan ang grand opening parade na magsisimula sa Panagbenga park.

Sabi naman ni Anthony De Leon, president ng HRAB, “They can invite 12 or 24 national candidates. They will have to seat at the grandstand but they are not part of the program.”

Samantala, 88 pulis ang ipapakalat ng mangangasiwa ng trapiko sa naturang kalsada. Inaasahan din ang pag-akyat ng maraming mga turista sa lungsod para pa rin sa naturang selebrasyon.

May paalala naman ang PNP sa mga turista na aakyat at ng mga residente ng Baguio. “Hinihingi natin na magiging vigilant ang bawat isa then kung may nakita silang suspicious, report to the authorities,” ani ni Tanding. 

Umaasa ang mga otoridad na magiging maayos at payapa ang selebrasyon na Panagbenga kapag nilatag na ang plano ng PNP.

Tags: , , ,