Pamunuan ng Kentex Manufacturing Corporation, hindi dumalo sa ipinatawag na pulong ng DOLE

by Radyo La Verdad | May 18, 2015 (Monday) | 1794

VICTOR_NOSHOW_051915

Hindi sumipot sa ipinatawag na pagpupulong ng Department of Labor and Employment kaugnay ng nangyaring Valenzuela factory fire ang pamunuan ng Kentex Manufacturing Corporation.

Humarap naman sa pagdinig ang kinatawan ng CJC Manpower Services, ang subcontractor na kinuha ng Kentex.

Nakumpirma sa pag-uusap na hindi lehitimong subcontractor ang CJC dahil hindi ito rehistrado sa DOLE..

Lumabas din sa pulong na walang hiring na ginawa ang CJC ng mga manggagawa dahil inilipat o ipinasok lang sa kanilang listahan ang mga dating empleyado na ng Kentex.

Pinag-aaralan na ng DOLE ang mga kasong administratibo, kriminal at sibil na isasampa laban sa Kentex at CJC.

Maglalabas din ng compliance order ang DOLE laban sa CJC at Kentex upang mabayaran ang mga manggagawang nagtatrabaho sa kanila kahit ang mga pakyawan.

Dahil sa mga nakitang paglabag, pinawalang-bisa na ng DOLE ang labor compliance certificate na naka-isyu sa Kentex noong Setyembre ng nakaraang taon.(Victor Cosare / UNTV News)

Tags: , ,