Pamunuan ng HPG desididong paluwagin ang Ortigas avenue na nakaaapekto sa maayos na daloy ng sasakyan sa Edsa

by Radyo La Verdad | September 11, 2015 (Friday) | 2829

LEA_GUNNACAO
Handa si PNP HPG Director P/CSupt. Arnold Gunnacao na paluwagin ang Ortigas avenue na syang nakaaapekto ng malaki sa daloy ng mga sa Edsa.

Ayon kay Gunnacao, pinababantayan na rin nya sa kanyang mga tauhan ang kahabaan ng Ortigas avenue sa may bahagi ng Meralco hanggang C5 upang tulungan ang mga tauhan ng mmda sa pagmamando ng traffic.

Sinabi ni Gunnacao na malaki ang epekto sa Edsa ng pagsisikip ng mga sasakyan sa Ortigas avenue kaya’t dapat na maisaayos ito.

Maging ang local na pamahalaan aniya ng San Juan at Mandaluyong ay sumulat na rin sa kanila upang tulungang paalisin ang mga sasakyan na nakaparada sa tapat ng La Salle Greenhills.

Ito’y dahil halos 2 lane na ang okupado ng mga sasakyan na naghahatid at sundo sa mga estudyante ng La Salle.

Ani Gunnacao handa naman silang tumugon bastat may basbas ni Sec. Jose Almendras na syang inatasan ng pangulo na mamuno sa pagsasaayos ng traffic sa Metro Manila.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)

Tags: , ,