Pamunuan ng Bureau of Correction, nakatatanggap na ng banta dahil sa patuloy na Oplan Galugad

by Radyo La Verdad | April 6, 2016 (Wednesday) | 1720

BUCOR
Muling naka-kumpiska ang mga tauhan ng Bureau of Corrections ng iba’t-ibang gamit sa ika-dalawamput pitong oplan galugad sa New Bilibid Prison compound kaninang umaga.

Ayon kay NBP Supt.Richard Schwarzkopf, bukod sa mga nakukumpikang appliances, gadgets, mga armas at bala sa quadrant 1 at 4 may ilang inmate na rin din ang kusang nagsusuko ng kanilang mga gamit gaya ng baril.

Inighayag naman ni Schwarzkopf na nakatanggap sila ng intelligence na may mga nagbabanta na gagawa ng gulo habang nagsasagawa sila ng operasyon.

Sa ngayon ay dinagdagan na nila ang security personnel sa prison facility at kumpara sa mga naunang operasyon hindi agad pinapasok ang mga miyembro ng media sa mga selda maging ng mga opisyal ng bucor hanggat hindi nasisiguradong ligtas ang sitwasyon.

Naging mas mahigpit na rin ang NBP sa mga pinapapasok na dalaw na babae sa pamamagitan ng paglilimit sa kanilang mga maaring puntahan sa loob ng bilangguan.

(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)

Tags: ,