Ilang lalaki, naaktuhang nagpa-pot session sa isinagawang Oplan Galugad ng PNP sa Caloocan

by Radyo La Verdad | June 2, 2016 (Thursday) | 3178

MACKY-01
Bunsod ng mas pina-igting na Oplan Galugad, ilang lalaki ang naaktuhan nilang nagsasagawa ng pot session sa Brgy 12 Caloocan City.

Kabilang sa mga ito ang isang disisyete anyos na kinilala lamang sa pangalang Buboy.

Sa kabuoan ay tinatayang nasa 52 ang mga inaresto dahil sa paglabag sa curfew hours, drinking in public at iba pang ordinansa

Ang mga kabataan na kasamang nahuli ay dadalhin sa temporary shelter ng DSWD sa Caloocan kung saan sila isasailalim sa counceling kasama ng kanilang magulang.

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,