Ipinahayag ni dating UP College of Law Dean Atty.Pacifico Agabin ang ilang implikasyon ng planong pagpapalit ng konstitusyon ng bansa.
Ang ilan sa mayayamang bansa sa mundo ay tumagal na ng 50 hanggang mahigit 200 taon ang kanilang constitusyon na ginagamit.
Gaya ng Amerika, Norway, Canada, Luxembourg, Australia, Ireland, Germany, Kuwait, Brunei at Singapore.
Subalit ayon naman kay NEDA Director General Ernesto Pernia mas paborable pa sa mga investor kung papalitan ang ating konstitusyon.
Dahil posibleng luwagan na ang batas para sa mga foreign investor na nais mamuhunan sa bansa.
Maging ang European Chamber of Commerce of the Philippines nagsasabing marami ang mga investor na maaaring mamuhunan sa Pilipinas kung magpapalit ng konstitusyon.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)