Anim na buwan na mula nang nakabalik sa Marawi ang mga residenteng nagsilikas nang lusubin at sakupin ang lungsod ng Maute-Isis noong ika-23 ng Mayo 2017.
Hindi naging madali ang pagsisimula muli ng kanilang buhay dahil halos lahat ng kanilang ari-arian ang nasira ng giyera.
Bagamat hindi kasing laki ang kanilang kinikita ngayon kumpara noong bago nangyari ang Marawi seige, ipinagpasalamat na rin ng mga internally displaced person na naka-uwi na sila sa kanilang mga tahanan.
Sa maliit na kita ay nakakaraos naman anila sila sa araw-araw na gastusin at pangangailangan.
Samantala, kuntento naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginagawang rehabilitasyon ng mga ahensya ng pamahalaan sa Marawi City.
( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )
Tags: bakwit, Marawi City, Maute-ISIS