Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo, pinahintulan na ng Sandiganbayan na magpa- medical tests

by Radyo La Verdad | October 15, 2015 (Thursday) | 2632

ARA_ARROYO
Pinahintulutan ng sandiganbayan first division si dating pangulo at kasalakuyang Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo na sumailalim sa medical procedures mula Oktubre a-bente uno hanggang a-bente dos taong kasalukuyan.

Pinahintulutan si Arroyo dahil sa humanitarian considerations at dahil sa rekomendasyon na rin ng mga doktor nito sa Veterans Memorial Medical Center na dalhin ito sa St.Lukes Medical Center upang sumailalim na rin sa electromyography at nerve conduction velocity testing dahil sa pamamanhid ng kaniyang kaliwang braso at panghihina ng kaliwa nitong cervical spine problem. Pinapasailalim rin ito sa iba pang pagsusuri dahil sa kaniyang medical history.

Ayon sa kahilingan ng kampo ng dating pangulo iaadmit ito sa St.Lukes alas nuwebe ng umaga ng Oktubre a-bente uno at madischarge pagtapos ng naturang examinations, alas kwatro naman ng hapon ng Oktubre a-bente dos.

Kasalukuyang naka hospital arrest sa VMMC si Arroyo dahil sa kaso nitong plunder kaugnay sa maanomalya umanong paggamit ng intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office noong nanunungkulan pa ito bilang pangulo ng bansa.(Ara Mae Dungo/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,