METRO MANILA – Epektibo na Ngayong araw (October 9) ang pamamahagi ng libreng card na ginagamit sa mga pampasaherong jeep at bus, matapos na maipalathala kahapon (October 8) ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa isang pahayagan ang bagong memoranmdum circular.
Bukod sa beep card, kasama rin dito ang beep rides, squid pay, trip ko, pearl card at iba pang kahalintulad nito.
Bagaman handang sumunod ang mga automated fare collection system provider. Dumadaing naman ang beep rides na magiging mahirap ito para sa kanila.
Habang ang senate Employees Transport Service Cooperative (SETSCO) na siyang nangangasiwa sa pearl card, umaapela ng subsidiya sa gobyerno upang saluhin ang kanilang gastos sa pagpapagawa ng card.
“Baka naman po may paraan rin ang DOTr lalo na kami ay isang primary coop lamang baka pwede pong mabigyan kami ng subsidiya,madalian din po kasi yung pagpapasya dito at alam naman sitwasyon natin ngayon ang hirap po mag face to face magkonsulta kahit ganitong digital na tayo,to be very honest hindi po kami nakonsulta.” ani Pearl Regular Chairman, Remedios Venturina.
Welcome development naman para sa squid pay ang kautusan ng LTFRB, dahil libre naman umano ang kanilang card, at tanging P55 na deposit lamang ang babayaran ng pasahero na pwede ring irefund.
“Kapag binalik ng card yung user pwedeng ibalik yung 55 pesos as long as. Meron din kasi kaming option to own the card, so kapag pi-nurchase mo siya na may pangalan. Yun, hindi mo na pwede i-refund.”ani Squidpay Corporate Relations Officer, Andrea Pascual.
Itinanggi naman ng LTFRB na hindi nila kinonsulta ang mga AFCs provider pinirmahan ang order, at inaming walang pera ang gobyerno para i-subsidized ang gastos sa card.
“Wala man talagang budget ang LTFRB… wag na natin ipa-pasa sa commuter… we need to understand where the cost is coming from. The cost is coming from the one providing the service when we clarified that with them pwede pala i-libre, so ang tanong ngayon bakit hindi pwede?” ani LTFRB Chairman, Atty. Martin Delgra.
(Joan Nano | UNTV News)