Pamimigay ng kompensasyon sa mga magsasakang apektado ng Bird flu outbreak sa Pampanga, uumpisahan na ngayong araw

by Radyo La Verdad | August 22, 2017 (Tuesday) | 2053

Uumpisahan na ngayong araw ang pamamahagi ng kompensasyon para sa mga poultry raisers na apektado ng Bird flu outbreak sa Pampanga.

Ayon kay Secretary Manny Piñol, nasa DA Region 3 Office na ang thirty-one million pesos na calamity fund na bahagi ng serye ng tulong ng gobyerno.

Unang babayaran ang nasa tatlong daang libong poultry tulad ng manok, pugo at itik. Tataggap ang mga magsasaka ng eighty pesos sa bawat ulo ng nangingitlog na manok at itik, seventy sa mga broiler chicken at ten pesos naman sa pugo.

 

 

 

Tags: , ,