Pamilya Veloso, nasa ilalim na ng protective custody ng NBI dahil sa umanoy harassment

by Radyo La Verdad | May 27, 2015 (Wednesday) | 1634

PAMILYA VELOSO
Kinumpirma ngayong araw ni NBI Director Virgilio Mendez na nasa protective custody na ng NBI ang pamilya ni Mary Jane Veloso upang matiyak ang kanilang kaligtasan

Ito’y dahil sa umano’y tatlong lalaki na may mga tattoo at naka-shorts at sando sakay ng motorsiklo ang nagtungo sa lugar at tinatanong kung saan ang bahay ng mga Veloso.

Sa pagdinig na isinasagwa ngayong araw ng House Committee on Dangerous Drugs, nagbigay ng update ang DOJ at NBI sa kaso ni Mary Jane Veloso.

Ayon kay DOJ Sec. Leila de Lima, isang pagdinig na lamang ang nakatakdang isagawa upang matapos ang preliminary investigation sa kaso ni Mary Jane.

Patuloy din ang kanilang pagbibigay ng update sa Indonesian Government partikular na sa Atty General ng Indonesia sa kaso ni Mary Jane.

Ito ay isa sa nakikitang paraan ng DOJ upang mabigyan ng Executive Clemency ni Indonesian President Widodo oras na mapatunayang si Veloso ay isang lamang biktima.

Hindi naman masabi sa ngayon ng DOJ kung hanggang kailan ang reprieve na ibibigay kay Mary Jane subalit patuloy ang pakikipagusap ng pamahalaan sa mga otoridad sa Indonesia. (Grace Casin/UNTV News)

Tags: , , ,