Magsasagawa ng sariling imbestigasyon si Senator Panfilo Lacson sa pagpaslang kay Tanauan Mayor Antonio Halili.
Ayon sa senador, masasabing organisado ang pagpatay sa lakalde batay sa istilong ipinakita ng killer. Hindi maiwawala aniya ang hinala ng pamilya ng alkalde na may kinalaman ang pamahalaan dito.
Ayon pa kay Lacson na dating hepe ng Philippine National Police (PNP), naikwento rin aniya sa kaniya ng pamilya Halili na ilang linggo bago pinatay ang alkalde ay may napapansin na silang mga pagmamanman.
Bagaman espekulasyon lamang aniya ang lahat, dapat umanong patunayan ng PNP na karapat-dapat sila sa pagtitiwala ng tao.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: Mayor Antonio Halili, PNP, Sen. Lacson