Umapela ang pamilya ni PO3 Jeremiah De Villa sa Highway Patrol Group na mabigyan sila ng benepisyo kahit hindi ito namatay sa pagtupad ng kanyang tungkulin.
Si PO3 De Villa ay sinasabing nagpakamatay noong Sabado ng umaga sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali ng Police Security and Protection Group o PSPG.
Sumulat din aniya sa kanila ang kapatid nito upang pasinungalingan ang mga negatibong balita tungkol sa kanyang kapatid at iginigiit na inosente ito.
Tiniyak naman ng HPG na nagsimula na ang kanilang malalimang imbestigasyon sa tunay na dahilan ng pagkamatay ni PO3 De Villa.
Sinubukan ng UNTV News na kunin ang pahayag nang pamilyang De Villa nang puntahan ang mga ito sa PNP Mortuary kung saan nakaburol si PO3 Jeremiah subalit tumanggi ang mga itong humarap sa amin.
Si De Villa at ang kasama nitong si PO2 Jongie Manon-Og ay inireklamo ng murder dahil sa pagkakabaril kay John Dela Riarte noong July 29, 2016matapos na manlaban umano sa kanila nang kanilang hulihin dahil naman sa pagwawala at panghahampas sa mga katabing motorista.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)
Tags: humihiling ng benepisyo, Pamilya ng HPG personnel na umano'y nag-suicide