Pamilya ng hazing victim na si Horacio Castillo III, makikipagpulong kay Pangulong Duterte ngayong hapon

by Radyo La Verdad | October 4, 2017 (Wednesday) | 10938

Makikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya ng nasawing hazing victim at University of Sto. Tomas Student na si Horacio Castillo III sa Malakanyang mamayang hapon.

Hiniling ng Castillo family kay Secretary Vitaliano Aguirre na makaharap ang punong ehekutibo upang mas makatiyak sa pagkamit ng hustisya sa pagkasawi ni Atio Castillo.

Una nang inatasan ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng pagsisiyasat at case build up sa kung papaano nasawi si Castillo at sino ang mga responsable dito.

Tiniyak din ng DOJ sa pamilya Castillo na ginagawa ng mga prosecutor ang lahat ng paraan upang mapabilis ang pag-usad ng kaso.

Nagtamo si Castillo ng malalang bugbog sa katawan  at pinaniniwalaang nasawi dahil sa hazing rites ng Aegis Juris Fraternity na nakabase sa UST.

 

Tags: , ,