Pamilya ng Filipina caregiver na si Joanna Daniela Demafelis, nananawagan ng hustisya

by Radyo La Verdad | February 12, 2018 (Monday) | 3800

Nanawagan ng hustisya ang pamilya ng Filipina caregiver na natagpuang wala ng buhay sa loob ng isang freezer sa Kuwait.

Mabigat para sa pamilya ang sinapit ni Joanna Daniela Demafelis na nagsakripisyong mawalay sa pamilya para masuportahan ang kaniyang mga kapatid at mapaayos ang kanilang bahay.

2014 nagsimulang magtrabaho sa Kuwait si Demafelis. Nais ngayon ng pamilya na maiuwi pabalik sa bansa ang labi ng pinaslang na OFW.

Tags: , ,