Binigyan na ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ng two hundred twenty thousand pesos na financial assistance ang pamilya ng binitay na OFW sa Kuwait na Jakatia Pawa.
Bukod pa ito sa 20,000 pesos na unang ipinagkaloob sa pamilya Pawa isang araw matapos bitayin ang OFW sa Kuwait noong Enero 25 dahil sa kasong pagpatay sa anak ng kanyang amo.
Si Lt Col. Garry Pawa ang tumanggap ng ayuda dahil siya na rin ang tumatayong guardian sa dalawang naiwanang anak ng kanyang kapatid.
Bukod sa financial aid ay tatanggap rin ng 38, 000 pesos bawat taon ang dalawang anak ni Jakatia at full scholarship grant hanggang sa makatapos sila sa pag-aaral.
Sasagutin rin ng Department of Foreign Affairs at OWWA ang gastusin sakaling gustuhin ng pamilya Pawa na dumalaw sa kuwait para matunghayan ang libing sa labi ni Jakatia.
Magbibigay rin ng financial assistance ang Philippine Recruitment Agency habang ang pabahay para sa mga anak ni Jakatia ay inirefer sa National Housing Authority.
(Dante Amento / UNTV Correspondent)
Tags: Pamilya ng binitay na OFW na si Jakatia Pawa, pinagkalooban na ng ayudang pinansiyal ng pamahalaan