Pamilya Laude, naghain ng petisyon sa Korte Suprema para hilingin na mapunta ang kustodiya ni US Marine Scott Pemberton sa Olongapo City Jail

by Radyo La Verdad | April 17, 2015 (Friday) | 1095

laude_jerolf
Hinihiling ni Marilou Laude, kapatid ng pinaslang na transgender na si Jeffrey alias Jennifer Laude sa Korte Suprema na makuha ang kustodiya ni Lance Corporal Joseph Scott Pemberton mula sa American Military Authorities papuntang Olongapo City Jail.

Ito ang laman ng Petition for Certiorari na inihain nila kahapon.

Ayon sa kanilang legal counsel na si Atty. Harry Roque, inirereklamo din nila ang umanoy kwestyonableng desisyon ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 74, Presiding Judge Roline Jinez- Jabalde nang idismiss nito ang petition nila patungkol sa kustodiya ni Pemberton habang nililitis ang kaso nito sa Olongapo R-T-C.

Isa pa sa kahilingan nila ang pagpapadeklara sa Visiting Forces Agreement bilang Unconstitutional dahil nlilimitahan nito ang kapangyarihan ng korte upang maisagawa ang mga procudures kabilang ang Rules of Criminal Procedure.(Jerolf Acaba/UNTV Radio Correspondent)