Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na hindi magkakaroon ng pagtaas sa pamasahe ng Metro Rail Transit o MRT-3 pagkatapos ng rehabilitasyon dito.
Ginawa ng kagawaran ang pahayag matapos ang paglagda ng Pilipinas at Japan sa eighteen billion peso loan agreement para sa rehabilitasyon ng tren.
Sa statement na nasa kanilang facebook page, sinabi ng DOTr na pababayaan muna nila na maranasan ng mga commuter ang mga pagbabago sa MRT-3.
Huling nagpatupad ng taas-pasahe sa MRT-3 noong Enero 2015. Labing isang piso ang naging base fare nito at dagdag na piso sa bawat kilometro.
Tatagal ang rehabilitasyon sa MRT-3 hanggang sa 2022. Kasama sa mga aayusin ang riles, power supply, electro-mechanical systems at depot equipment.