Iniimbestigahan na ng Death Investigation Division ng National Bureau of Investigation ang nangyaring pamamaril sa isang government prosecutor sa Barangay 63,Caloocan City kahapon.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pasakay na sa kanyang sasakyan si Caloocan City Prosecutor Diosdado Azarcon upang pumasok sa opina ng barilin ng tatlong beses sa ulo.
Agad tumakas ang anim na suspek na pawang mga nakatakip ang mukha sakay ng tatlong motorsiklo.
Hindi naman nagpaunlak ng panayam ang mga kaanak ng piskal.
Ayon sa pulisya, posibleng may kinalaman sa trabaho ng biktima ang nangyari pamamaslang.
Tags: Caloocan city, NBI, piskal
METRO MANILA – Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa cartel, smuggling o hoarding ng sibuyas sa bansa kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), may 7 indibidwal na silang natukoy na nasa likod nito at kung paano minamanipula ang presyo ng sibuyas sa merkado.
Ang pangalan ng mga ito ay kapareho ng lumitaw sa mga nakaraang pagdinig sa kamara.
Dagdag pa ng DOJ, patuloy ang pangangalap ng NBI ng mga ebidensya para sa isasampang reklamo.
Tags: NBI, Onion Smuggling
METRO MANILA – Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-International Airport Investigation Division (NBI-IAID) sa NAIA Terminal 1 ang babaeng gumamit ng pasaporteng nakapangalan kay Elsa Cornello Saladili.
Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric B. Distor ang naaresto na si Bainisin Pulna na patungo sanang Saudi Arabia noong Abril 16 via Gulf Air Flight.
Batay sa ginawang imbestigasyon ng mga opisyal ng Immigration, taliwas sa mga dokumento ni Pulna ang sinabi nitong edad at hanap-buhay ng kaniyang ama.
Pinabulaanan din ng mga opisyal ang salaysay ni Pulna na ito ang una niyang pangingibang-bayan matapos malamang umalis at nakabalik na sa bansa si Elsa Cornello Saladili.
Sumailalim sa inquest proceedings si Pulna sa Pasay City Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa Section 19 (d) (1) of R.A. 8239 o Philippine Passport Act of 1996.
(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)
Nadakip sa isinagawang Entrapment Operation ng Criminal Investigation and Detection Group Davao City Field Unit at Talomo Police Station ang isang suspek matapos magpakilalang tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Crocodile Park, Diversion Road, Davao City pasado alas-5 ng hapon nitong Marso 23.
Kinilala ang suspek na si Matias Canque Relacion, na kung saan nagpakilalang kawani ng NBI ngunit iginiit ng nasabing ahensya na wala itong koneksyon sa kanila.
Naaktuhan si Relacion sa pagtanggap ng P1,000 cash na marked money galing sa isang buyer.
Nakuha dito ang isang Ingram Sub Machine gun, 38 caliber revolver, anim na NBI ID, isang itim na wallet na may NBI Badge, NBI Reflectorize vest, itim na sling bag, isang silver toyota vitz na may ignition key, isang P1,000 bill bilang marked money at mga bala.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Talomo Police Station ang nasabing suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Firearms and Ammunition Law at Revised Penal Code o Usurpation of Official Function.
(Fe Gayapa | La Verdad Correspondent)
Tags: NBI