Nais ng bitawan ng Metropolitan Manila Development Authority ang pamamahala sa mga towing company at ibigay na ito sa pribadong sektor.
Paglilinaw ng MMDA, nagbigay lamang sila ng accreditation sa mga towing company at hindi sila kundi mga private company ang nag-mamay-ari nito.
Makikipagugnayan ang MMDA sa Automobile Association of the Philippines upang hilingin ang tulong nito.
Ang AAP ay isang pribadong organisasyon ng mga motorista sa bansa.
May sarili itong towing equipment at ginagamit lamang nila ito sa kanilang mga miembro
Ngunit ayon sa AAP, pag-iisipan muna nila ang alok ng MMDA.
Nais rin ng MMDA na mabago ang imahe ng mga tow truck.
Ayon sa ahenysa, imbes na matuwa ang mga tao ngayon dahil natutulungan sila ng towing company, mas marami pa ang takot na takot ngayon na mahatak ang kanilang sasakyan dahil sa kawalan ng disiplina ng mga towing company.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: mga towing company, MMDA