Inumpisahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi sa P24-bilyong tulong ng pamahalaan para sa sampung milyong mahihirap na benipisyaryo ng unconditional cash transfer (UCT) program.
Ang UCT program ay nakasaad mismo sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law bilang ayuda sa mga maapektuhan ng pagpapatupad nito.
Ayon sa batas, 10 milyong individual ang makikinabang dito at 4.4 milyon dito ay miyembro na ng Pantawid Pamilya Pilipino Program.
Tatlong milyon na matatanda at mahihirap na benipisyaryo ng programang social pension at 2.6 milyon na mahihirap na nasa listahan ng DSWD na dadaan pa sa proseso ng validation.
Ayon kay DSWD officer-in-charge Emmanuel Leyco , tatagal ng tatlong taon ang programa, kung saan kabuuang P200 kada buwan o P2,400 ang matatanggap ngayong taon.
Magiging P300 kada buwan o kabuoang P3, 600 para sa taong 2019 at 2020.
( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )