Pamamahagi ng titulo ng lupa sa San Francisco, Quezon, pinangunahan ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | May 3, 2018 (Thursday) | 3776

Tatlong daan at walumpu’t siyam na farmer beneficiaries sa Mulanay, Quezon ang napagkalooban ng certificate of land ownership ng Department of Agrarian Reform (DAR) kahapon.

Makakakuha ang bawat isa sa mga ito ng halos tatlong ektarya mula sa 654 na hektaryang lupain ng Hacienda Matias na bahagi ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng pamahalaan.

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang land title distribution.

Samantala, sa kanyang talumpati sa harap ng mga magsasaka, dinipensahan ni Pangulong Duterte ang pagtuligsa ng ilang grupo na hindi kuntento sa nilagdaan niyang executive order kontra kontraktwalisasyon noong ika-1 ng Mayo.

Ayon sa mga ito, inulit lamang sa EO ang nakasaad na sa labor code.

Ngunit sagot ng pangulo, wala siyang ibang magagawa kundi maglabas ng EO. Dagdag pa ng pangulo, hindi siya maaring maglagay ng mga sanction at penalty sa kanyang executive order  dahil labag ito sa batas.

 

( Japhet Cablaida / UNTV Correspondent )

Tags: , ,