Pamamahagi ng P5,000 cash assistance ng DFA para sa mga OFW, hanggang ngayong araw na lamang

by Radyo La Verdad | September 21, 2018 (Friday) | 3856

Muling ipanaalaala ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hanggang ngayon araw na lamang maaring kunin ng mga overseas Filipino workers (OFW) ang limang libong pisong cash assistance para sa mga OFW na hindi nakalipad dahil sa Bagyong Ompong.

Maaring magpunta sa main office at sa consular office ng DFA sa mga probinsya simula alas otso ng umaga hanggang mamayang alas quatro ng hapon.

Dalhin lamang ang pasaporte, employment contract, overseas employment certificate at lumang ticket ng eroplano na may petsa ng orihinal na lipad at bagong ticket na may petsa ng bagong lipad.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,