METRO MANILA – Sisimulan na ng Employees Compensation Commission (ECC) ang pamamahagi ng P20,000 one-time financial assistance sa lahat ng mga qualified pensioners ngayong buwan ng Hunyo.
“The P20,000 financial assistance from the ECC for private sector EC pensioners will be credited to their accounts starting this month of June,” ani Labor Secretary Silvestre Bello III
Sa pinakahuling datos ng ECC,nasa 32,000 ang mga qualified pensioner sa bansa.
Magkakaroon naman ng batches ang pagkuha ng cash assitance mula sa private and public financial assistance ng ECC na Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).
Sa inilabas na report ni ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis kay Secretary Bello na siya ring Chairman ng ECC , hindi na aniya kailangang mag-apply ng financial assistance ang mga pensioner dahil ang proseso ng pagre-release ng assitance ay katulad ng pagproproseso ng pensions ng mga EC pensioners.
“EC pensioners in the private sector with at least one month of permanent partial disability (PPD), permanent total disability (PTD), or survivorship pension from January 1, 2020, to May 31, 2021, will benefit from the one-time financial assistance, ”Dagdag ni Banawais
Matatandaang inaprubahan ng Pangulo ang Administrative Order No. 39, series of 2021, noong April 19 na naglalayong magbigay ng 20,000 one-time financial assistance sa mga EC Pensioners sa parehong public at private sectors.
“We hope that the one-time financial assistance can ease the financial burdens of our EC pensioners During this trying time. Rest assured that ECC is tirelessly working to provide more assistance to our workers. ”ani ECC Executive Director Banawis
Kung ang isang Qualified EC pensioner ay namatay sa petsang nakapaloob mula Enero 1, 2020, hanggang Mayo 31, 2021,ang beneficiaries ng nasabing pensioner ang tatanggap ng kanyang one-time cash assistance.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)