Pamamahagi ng halos 8 ektaryang lupain sa mga katutubo sa Boracay, tiniyak ng DAR

by Radyo La Verdad | October 17, 2018 (Wednesday) | 3848

Sa halip na tumakbo sa parating na halalan, itutuloy na lamang ni Department of Agrarian Reform Secretary John Castriciones ang kanyang mga tungkulin sa kagawaran.

Una nang napabalita na tatakbo ang kalihim sa ilalim ng Partido Federal na nagsusulong ng sistemang pederalismo. Pero ayon kay Castriciones, tututukan na lamang niya ang pamamahagi ng lupa sa mga benepisyaryo.

Aniya, sa kasalukuyan ay mayroong 561,000 ektarya ng lupa at 260,000 ‘government-owned lands’ na kailangang ipamahagi ng DAR.

Tiniyak din nito na maipatutupad ang utos ng Pangulo na ipamahagi ang mga lupa sa mga benepisyaryo sa isla ng Boracay.

Sa ngayon, mayroong 7.9 ektarya ng lupa sa Barangay Manoc-Manoc sa Boracay na pwede nang ipamahagi sa mga katutubong Ati sa isla.

Nasa dalawampu’t limang ektaryang lupain sa Boracay ang target ng pamahalaan na isailalim sa land reform kaugnay ng ginagawang paglilinis sa isla.

 

( Charlie Barredo / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,