Pamahalaang Lungsod ng Maynila, nakatatanggap ng mga donasyon mula OFWs — Mayor Isko Moreno Domagoso

by Erika Endraca | September 9, 2019 (Monday) | 20886

MANILA, Philippines – Ikinatutuwa umano ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pamamalakad sa bagong Maynila kaya naman patuloy ang kanilang donasyon sa lungsod  ayon kay Mayor Isko Moreno Domagoso.

“Ipinag papasalamat ko sa mga OFW nagbibigay 100 dollars 200 dollars 300 dollars” ani Manila Mayor  Isko Moreno.

Ayon sa alkalde, kanila munang lilikumin ang mga donasyon habang inaalam pa kung saan ito gagamitin.

Paalala ni Domagoso, huwag sa kanya ipangalan ang kanilang mga donasyong pera o cheke bagkus ay sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

“Gagamitin po namin ng tapat, maayos at kapakipakinabang sa ating mamamayan sa lungsod ng Maynila” ani Manila Mayor  Isko Moreno.

Samantala, ilang kumpanya and ahensya ng gobyerno na rin ang nag-donate ng mga kagamitan sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

(Harlene Delgado | UNTV News)

Tags: ,