Pamahalaan, umapela ng kooperasyon sa publiko para sa kaayusan ng idaraos na APEC Summit sa Nobyembre

by Radyo La Verdad | October 28, 2015 (Wednesday) | 1204

DOMINGO
Humiling ng pang-unawa ang pamahalaan sa mga maapektuhan ng pagdaraos ng APEC Summit mula sa Nobyebre desi-sais hanggang bente sa Maynila.

Ito ay sa dahilang maraming pangunahing lansangan sa metro manila partikular sa maynila ang isasara habang idinaraos ang APEC Summit na inaasahang dadaluhan ng maraming lider ng mga bansa kabilang na si U-S President Barack Obama.

Kabilang sa mga lansangan naisasara ay ang kahabaan ng Roxas Boulevard hanggang SM Mall of Asia at ilang bahagi ng edsa.

Bukod sa pagsisikip ng mga alternatibong ruta, may posibilidad rin na magkaroon ng delay of cancellation ng mga airline flights.

Ayon kay DTI Secretary Gregory Domingo, kailangan ang kooperasyon ng publiko sa pagdaraos ng APEC Summit dahil ang bansa rin ang makikinabang dito.

We have to make a really positive impression on this guys. Because leaving a positive impression really makes a difference in decision making at the highest level of government and the highest level of the corporate world” pahayag ni DTI Secretary Gregory Domingo.

Tags: ,