Pamahalaan tatanggap na muli ng tulong mula sa European Union

by Admin | March 2, 2018 (Friday) | 5542

Ikinagalit ng Pangulo ang pangingialam ng European Union (EU) sa human rights sa Pilipinas partikular sa war on drugs ng pamahalaan. Dahil dito ilan sa mga tulong ng EU ang nabinbin gaya ng 10 million-euro donation para sa renewable energy.

Subalit ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia, bukas na muli ang bansa na tanggapin ang tulong mula sa EU.

“Any help, any agreement on something, trade, investment or whatever, as long as it is going to be useful, we are not going to welcome it if it is not useful,” pahayag ni Secretary Pernia.

Kinumpirma naman ng EU ang pahayag ng NEDA at sinabing tuloy ang pagbibigay nila ng financial aid.

Kabilang dito ang 21 million euro para sa electrification projects at 3.8 million euro para sa drug rehabilitation.

Sa kabuuan mayroong 260 million euro o katumbas ng P16.6-B na nakahandang financial aid ang EU para sa Pilipinas ngayong taon.

“There is no notification to the European Union of suspension or rejection whatsoever of our pending ongoing aid link to projects presented by the government,” sabi ni Director General Stefano Manservisi ng EU.

Ipinaliwanag rin ng EU na hanggang sa ngayon ay concern sila sa nangyayaring patayan kaugnay sa war on drugs ng pamahalaan. Subalit mariing tinanggi ng EU na sinabi nilang ito ay kagagawan ni Pangulong Duterte.

Ayon sa European Union, tututukan nila na matulungan ang mga kababayan natin sa Marawi at pagbibigay ng kuryente sa mga lugar na wala pa nito, umaasa sila na ang magandang ugnayan ng bansa na umabot na ng matagal na panahon ay hindi mawala kundi magpatuloy.

 

(Mon Jocson/UNTV Correspondent)

Tags: , , ,