Iniulat ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. kagabi sa Talk to the People na tuloy na ang ikatlong national vaccination campaign ng pamahalaan sa February 10 hanggang 11.
Sakop ng naturang Covid 19-Bayanihan, Bakunahan campaign ang edad dose pataas.
Ayon kay Galvez, target nilang makapagbakuna ng dalawang milyong indibidwal para sa primary dose at apat na milyon naman sa booster dose.
“We will recommend Mr. President na we have to push fo the administration of boosters to provide additional layers of protection kasi po darating po ang araw na after 3 months or 6 months meron na pong waning effect ang ating mga vaccine,” ani Sec. Carlito Galvez, Jr., Vaccine Czar / Chief Implementer, NTF vs Covid-19.
Sa kasalukuyan umabot na sa 59.8 million indiduals ang nakakumpleto na ng Covid 19 vaccines.
Ayon kay Testing Czar Vince Dizon, target nila na sa Hunyo ay mabakunahan ang 90 million na mga Pilipino.
Kaugnay nito, muling nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa kahalagahan ng bakuna.
“Importante talaga ang bakuna aywan ko kung bakit may tao na nagreresist, ayaw, alam nila I really do not understand utak ng mga ito nakikita na nila patay, sinasabi ng mga eksperto, private sector about the importance of vaccination,” pahayag ni Pres. Rodrigo Duterte.
May banat rin ang Pangulo kay Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta.
“For those who are against the vaccination of our children, including PAO Chief Persida Acosta, kung ayaw mong magpabakuna, ikaw na lang. ‘Wag mo na idamay ang mga bata. If you don’t want to get vaccinated, that’s your choice. Leave the children out of it, this is a suggestion coming from the two cabinet members,” ani Pres. Duterte.
Samantala, iniulat naman ni Health Secretary Francisco Duque III, na nananatiling nasa moderate risk sa Covid 19 ang Pilipinas.
Gayundin ang National Capital Region, Caraga, Cordillera Administrative Region, Regions 6,2,7,1, 4A at 3.
Ipinakita rin sa datos ng DOH na ang bed utilization ay nasa 37.298 percent at ang ICU utilization ngayon ay nasa 40.9 percent.
“Hindi po nabibilaokan ang ating mga ospital kakaunti ang mga gamit ng mga kama ngayon so maganda ito Mr. President epekto po ito ng ating vaccination,” sinabi ni Health Secretary Francisco Duque.
Nel Maribojoc | UNTV News
Tags: COVID-19 VACCINATION, Sec. Vince Dizon, VACCINE CZAR CARLITO GALVEZ