Pinasasagot ng Korte Suprema ang pamahalaan sa petisyong inihain ni ACT party-list Antonio Tinio laban sa defense agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Kinukwestyon ni Tinio ang legalidad ng dalawang military and security cooperation sa pagitan ng bansa at ng Japan na nilagdaan, noong Enero at Hunyo ngayong taon.
Labag umano sa Article 18, Section 25 ng Saligang-Batas ang pagpasok ng sundalong Hapon sa bansa para sa joint military exercises dahil walang niratipikahan ang Senado na kasunduan o treaty para dito.
Binigyan ng sampung araw ng Korte ang pamahalaan, partikular ang opisina ng Pangulo at si Defense Sec. Voltaire Gazmin upang sagutin ang petisyon.(Roderic Mendoza/UNTV News)