Nagsagawa kahapon ang ikalawang pre-disaster risk assessment meeting ang National Disaster Risk Reduction and Management Council upang paghandaan ang posibleng epekto ng pagpasok ng bagyong Butchoy sa bansa.
Layunin nitong alamin ang ginagawang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan lalo na sa mga lugar na posibleng makaranas ng matinding pag-ulan, pagbaha at landslides.
Gayundin ang prepositioning ng mga relief goods at mga equipment na magagamit sa pag-responde sa kalamidad.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, hindi dapat ipagwalang bahala ang maaaring idulot ng bagyo.
Nagpa-alala din ang opisyal na palaging i-monitor ang mga ulat ng lagay ng panahon lalo na sa mga lugar na prone sa pagbaha at landslides.
(UNTV RADIO)