Pamahalaan ng Pilipinas, tiniyak na mabibigyan ng ayuda ang mga filipino overseas worker na apektado ng serye ng pambobomba sa Iraq

by Radyo La Verdad | May 16, 2016 (Monday) | 1573

JERICO_COLOMA
Tiniyak ng pamahalaan ng Pilipinas na mabibigyan ng ayuda ang mga filipino overseas worker sa Iraq na apektado ng nagaganap na kaguluhan sa lugar.

Ginawa ng Malakanyang ang pahayag matapos ang serye ng pambobomba bansa noong nakaraang Myerkules.

Mahigit syamnapu ang nasawi habang nasa isandaan at animnapu naman ang sugatan sa tatlong magkakahiwalay na pagsabog kapitolyo ng Iraq na Bhagdad na hinihinalang kagagawan ng Sunni terror group.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. mahigpit nilang minomonitor ang sitwasyon sa naturang bansa at patuloy na pinaiiral ang security protocols.

(UNTV NEWS)

Tags: ,