Pamahalaan, naglaan ng P500,000 pabuya sa sinomang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Peter Lim

by Radyo La Verdad | September 14, 2018 (Friday) | 4952

Limandaang libong pisong pabuya ang inilaan ng pamahalaan para sa sinomang makapagtuturo sa kinaroroonan ng alleged drug lord na si Peter Go Lim.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ipagkakaloob ang nasabing reward money sa makapagbibigay ng impormasyon na makatutulong para mahuli si Lim.

Nagbabala naman ang kalihim sa mga nagtatago kay Lim na maari silang sampahan ng kasong obstruction of justice.

Si Lim ay nahaharap sa kasong conspiracy to commit illegal drug trading kasama ang self-confessed drug distributor na si Kerwin Espinosa, Marcelo Adorco at Ruel Malindagan.

Si Lim ang itinuturong nagsusupply ng shabu na ibinebenta ng ‘Espinosa Group’ sa Region 7 at Region 8.

Tags: , ,