Pamahalaan, naghahanap na ng pagkukunan ng pwedeng bakuna sa monkeypox – DOH                                           

by Radyo La Verdad | May 28, 2022 (Saturday) | 7080

Wala pang direktang bakuna o gamot sa ngayon para sa monkeypox, ngunit maaaring ibakuna ang smallpox vaccine ayon sa mga eksperto. ‘Yun nga lang ayon sa Department of Health, walang smallpox vaccine na aprubado ng Food and Drug Administration sa Pilipinas.

“However we do want to emphasize that what are working on are along two fronts. First the fastest would be to secure bilateral or donations from other countries who might be able to provide us with these vaccines. If we are going to procure this on our own we have a process to follow first it has to go through our FDA and then if we are going to spend money on it then it will go to HTAC or Health Technology Assessment Council,” ayon kay Dr. Beverly Ho, Director IV, Health Promotion Bureau and Disease Prevention and Control Bureau.

Sa isang panayam sinabi naman ni health sec francisco duque III na ikinokonsidera ngayon ng pamahalaan na bumili ng bakuna kontra smallpox.

Inatasan na ni Sec. Duque ang Research Institute for Tropical Medicine (RITN) na humanap ng mga posibleng mapagkukunan ng smallpox vaccines.

Isa aniya ito sa paghahanda ng Pilipinas kahit wala pa namang iniuutos ang World Health Organization na mass vaccination kontra monkeypox.

“Saan siya galing? It’s from monkeys, squirrels and rodents, mga daga. So these are animals found in Africa. Fortunately I think we don’t have these in our country kaya doon sa Africa nagsimula. Kaya tinawag na monkeypox it was first isolated sa aseatic monkey,” ani Dr. Marissa Alejandria, Director, Institute of Clinical Epidemiology, UP-NIH.  

Batay sa paliwang ng mga eksperto, mag-kamaganak man ang smallpox at monkeypox, nguni’t may kaibahan pa rin ito sa chickenpox at sa measles o tigdas.

Ang chickenpox at measles, mabilis kung kumalat

Kumpara sa monkeypox. Ang monkeypox, mas madami sa mukha, palad at talampakan. Sa katawan naman karaniwan ang pamamantal kapag ang isang tao ay may chickenpox. Habang ang measles o tigdas ay nagsisimula sa mukha at kumakalat sa kamay at paa.

Nguni’t paliwang ni Dr. Marisssa Alejandria, Technical Advisory Group Infectious Diseases, Director ng Institute of Clinical Epidemiology, UP-NIH, bukod tanging ang monkeypox ang may sintomas ng pagkakaroon ng kulani sa leeg ng isang nagtataglay nito.

Kapag malala ang kaso ng monkeypox, mahalagang i-isolate at dalhin sa ospital.

Bagaman may napaulat na kaso sa London na nahawa ng naturang sakit dahil sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Ayon sa World Health Organization, hindi ito sexually transmitted o “gay disease” nguni’t skin to skin o close contact talaga ang paraan ng hawaan nito.

Sa tala ng WHO, mahigit 250 cases na ng monkeypox ang naitala sa labing-anim na bansa.

Dito sa Pilipinas, wala pang naitatalang kaso ng monkeypox pero naghahanda na ang DOH sakaling makapasok ito sa bansa.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,